Patuloy na bumababa ang arawang growth rate ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila, sinabi ng isang OCTA Research fellow nitong Sabado, Ene. 15.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na ang COVID-19 growth rate ng Metro Manila ay bumaba na ngayon sa tatlong porsyento mula sa limang porsyento noong Enero 13.

“Once the daily growth rate becomes negative, new cases in the National Capital Region (NCR) are decreasing,” ani David.

Idinagdag ni David na ang reproduction number ng rehiyon ay bumaba rin sa 3.22 noong Enero 11, 2022.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Samantala, bagama't ang pagbaba ng growth rate ay isang "matibay na ebidensya" na ang trend sa Metro Manila ay tumibok, sinabi ng OCTA na ito ay "subject to data backlog and reports."

“However, if this trend is solid, we should expect between 16,000 to 18,000 new cases in NCR on Jan.15, 2022, and 15,000 to 16,000 on Jan.16, 2022, towards a consistent decrease,” sabi ni David.

Charlie Mae F. Abarca