July 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Alan, binanatan si Sen. Erwin; Tito Sen, rumesbak!

Sen. Alan, binanatan si Sen. Erwin; Tito Sen, rumesbak!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Sumagot si Senator-Judge Alan Peter Cayetano kay Senator-Judge Erwin Tulfo na huwag daw ubusin ng kanilang mga kasamahan ang oras ng Senate impeachment trial para ipagtanggol ang kanilang sarili sa mga pampersonal nilang problema. 

Bago kasi nito, nauna nang ilahad ni Senator-Judge Robin Padilla sa impeachment court ang tungkol sa paglilinaw niyang nakapagsumite raw siya ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman kontra sa kasong obstruction of justice na isinampa laban sa kaniya ng Tindig Pilipinas noon. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, tumirada sa media dahil sa ‘di umano niya pagsunod sa batas

Tirada naman ni Tulfo, itinatag daw ang Senate impeachment court para litisin kung may kasalanan o walang kasalanan si Vice President Sara Duterte sa mga alegasyong ibinabato rito at hindi raw para sayangin sa mga personal na isyu o kasong kinakaharap ng mga kapuwa niya senador. 

KAUGNAY NA BALITA: Bira ni Sen. Erwin sa mga kapwa senador: Impeachment trial, hindi 'right forum' sa personal na problema!

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Sa naging pahayag naman ni Cayetano, matapos magsalita ni Tulfo, sinabi niyang natutuwa raw siya dahil may simpatya ang huli tungkol sa hustisya o inhustisya para kay VP Sara. 

Pero diin niya, “Regarding to waste our time here, sabi ni Sen. Joker Arroyo, ‘It is useless to argue a legal point with a non-lawyer. When Sen. Marcoleta brought that up here, nagkaroon ng commotion. Sen. Miriam stood up here in many times and said, ‘Kaya ka nga nagpo-four years na law school at nagba-bar.’” 

Depensa ni Cayetano, “relevant” o hindi raw maaaring ihiwalay sa impeachment trial ang integridad ng Korte, mga Mahistrado, at mga Hukom, kaya raw mahalagang bigyan ng panahon ang mga nabanggit upang ipaliwanag ang kanilang sarili kung nakakatanggap ng mga pagbabanta ang mga ito. 

“The integrity of the Court, the Justices, and the Judges is relevant. So if the Supreme Court, or COMELEC, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan is being heard and the Judges are being threatened, we give them time. We cannot take impeachment out of context,” aniya. 

Saad ni Cayetano, kalat na raw sa mga balita na tila binalewala ni Padilla ang Ombudsman ngunit gusto lang daw niyang tumindig na sinunod ng huli ang batas at nakapagsumite ito ng email sa naturang tanggapan. 

“But then kukuwestiyonin ninyo si Sen. Padilla? It was all over the news na hindi niya inintindi or he snubbed the Ombudsman. I was going to stand up before Sen. Erwin stood up just to say may registered mail,” ‘ika niya. 

Dagdag pa niya, “I’m just saying Sen. Padilla just stood up to say sumusunod siya sa batas. Tapos. Kaya humaba ito dahil nga hindi ata importante ata dito ‘yong integrity no’ng judge.” 

Leksyon ni Cayetano sa loob ng Korte, hindi raw totoong trabaho ng mga senator-judge ang mag-clear o mag-prosecute sa Bise Presidente, kundi gampanin daw nila ang mag-try at mag-decide sa impeachment trial. 

Patutsada niya, trabaho raw ng prosecution ang mag-prosecute, habang tungkulin naman daw ng defense ang ipaliwanag sa mga senator-judge kung totoong walang kasalanan ang Bise Presidente. 

“Our job is to try and to decide, and when you decide, you acquit or convict. These are legal terms,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, hindi raw maaaring mapanood ng mga kasalukuyang nag-aaral sa abogasyoa na ang trabaho ng mga senator-judge ang mag-clear o mag-prosecute. 

Samantala, sumunod naman na nagsalita si Senator-Judge Vicente “Tito” Sotto matapos ni Cayetano at nanindigan siyang gawin na lang daw ang manipestasyon ni Padilla sa wastong pagdinig ng Senado, batay umano ito sa 29 na taon niyang karanasan niya bilang mambabatas.

“I do not have four years of law, but I have twenty-nine years of lawmaking. And I move that the manifestation that we have heard may referred to the Senate proper,” sagot ni Sotto. 

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla kay Sen. Padilla: 'He chooses to ignore the Ombudsman, so be it!'