July 25, 2026

Home BALITA National

Ombudsman Remulla kay Sen. Padilla: 'He chooses to ignore the Ombudsman, so be it!'

Ombudsman Remulla kay Sen. Padilla: 'He chooses to ignore the Ombudsman, so be it!'
Photo courtesy: File Photo, Senate of the Philippines

Inihayag sa publiko ni Ombudsman Jesus Crisipin “Boying” Remulla na hindi pa raw nakakapagsumite si Sen. Robin Padilla ng counter-affidavit laban sa kasong obstruction of justice na isinampa labang sa kaniya. 

Kaugnay ito sa naging pagtulong umano ni Padilla sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtugis ng mga awtoridad noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026. 

Matatandaang nauna nang magsumite ng counter-affidavit si Sen. Alan Peter Cayetano sa Offic of the Ombudsman noong Miyerkules, Hulyo 15, na isinapubliko naman nila noong Huwebes, Hulyo 16. 

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman, natanggap na counter-affivadit ni Cayetano vs obstruction of justice!

Sa naging pahayag naman ni Remulla sa isinagawa nilang press conference nitong Biyernes, Hulyo 17, kinumpirma niyang hindi para nakakapagsumite o nakakatugon ng kahit anong sagot si Padill sa kanilang tanggapan. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

“He has not filed anything. He has not responded, he has not said anything about the cases that the summons given to him,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, noon pa raw Hulyo 15 ang pagtatapos ng deadline o palugit na ibinagay nila kay Padilla at hindi niya raw alam kung binalewala sila ng senador. 

“The deadline has passed. I don’t know. He chooses to ignore the Ombudsman then so be it,” aniya. 

Saad ni Remulla, mukha naman daw na pipiliin na lang ni Padilla na i-waive ang naturang kaso laban sa kaniya, ngunit hindi naman daw niya tiyak kung napayuhin ang huli sa mga legal na dapat niyang gawin. 

“They are given the chance to deny, to dispute, or to reason out, but he can choose to waive everything. Looks like he has choose to waive it. I don’t know if he’s being given any legal advice,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy ni Remulla, hihintayin pa rin naman daw nila na makapagsumite si dating Senate Sergeant-at-Arms PMGEN Mao Apalsca hanggang sa darating na Huwebes, Hulyo 23, 2026, bago raw sila makabuo ng resolusyon. 

“We will wait for General Aplasca which is on [July 23], Thursday,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang Hunyo 3, 2026, nang direktang nagtungo ang co-convenor ng Tindig Pilipinas na sina Kiko Dee at iba pang miyembro ng kanilang koalisyon sa tanggapan ng Ombudsman upang sampahan ng kaso sina Cayetano, Padilla, at Aplasca kaugnay sa naging matagumpay na pagtakas ni Dela Rosa.

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano, Padilla, Aplasca may 15 araw para sagutin reklamo ni Kiko Dee!—Ombudsman