July 26, 2026

Home BALITA National

Ombudsman, natanggap na counter-affivadit ni Cayetano vs obstruction of justice!

Ombudsman, natanggap na counter-affivadit ni Cayetano vs obstruction of justice!
Photo courtesy: Senate of the Philippines, File Photo

Natanggap na ng Office of the Ombudsman (OMB) ang counter-affidavit ni Sen. Alan Peter Cayetano laban sa isinampang kasong obstruction justice laban sa kaniya kaugnay sa naging pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtugis ng mga awtoridad noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026.

Matatandaang Hunyo 3, 2026, nang direktang nagtungo sina Dee at iba pang miyembro ng koalisyong Tindig Pilipinas sa tanggapan ng Ombudsman upang sampahan ng kaso sina Cayetano, Padilla, at Aplasca kaugnay sa naging matagumpay na pagtakas ni Dela Rosa. 

Habang naglabas naman ng pahayag ang OMB noong Hunyo 25, 2026, matatandaan ding binigyan nila ng kabuuang 15 na araw sina Cayetano, Sen. Robin Padilla, at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca upang sumagot sa isinumiteng kasong obstruction of justice Tindig Pilipinas laban sa kanila.

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano, Padilla, Aplasca may 15 araw para sagutin reklamo ni Kiko Dee!—Ombudsman

Sa pahayag na inilabas ng OMB at ibinahagi ng mga media outlet nitong Huwebes, Hulyo 16, sinabi ng ahensya na natanggap na raw nila ang counter-affidavit ni Cayetano noong Miyerkules, Hulyo 15. 

National

Hiling ni Sen. Go, baha sa Davao, 'wag daw haluan ng politika!

“This counter affidavit is in response to the ongoing preliminary investigation into the complaint of Obstruction of Justice filed by members of civil society,” anila. 

Anang OMB, kasalukuyan pa raw nilang hinihintay ang counter-affidavits nina Padilla at Aplasca dahil hindi pa raw nagsusumite ang mga nabanggit. 

“The Office is currently awaiting the counter affidavits of Sen. Cayetano's co-respondents, Sen. Robinhood Padilla and the dismissed Acting Senate Sergeant at Arms, P/MGEN Mao Apalsca,” pagtatapos pa nila. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon sina Padilla at Aplasca kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Aplasca, lagot sa grave misconduct at gross neglect of duty—Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: 'Tama na!' GM Lino, pinagsabihan utol na si Sen. Alan sa pagtirada kay Kiko Dee