Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong record-high na 39,004 new COVID-19 cases nitong Sabado, Enero 15, 2022, sanhi upang umabot na sa mahigit 280,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #672 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,168,379 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 8.9% pa o 280,813 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 267,185 ang mild cases; 8,928 ang asymptomatic; 2,925 ang moderate cases; 1,472 ang severe cases; at 303 ang kritikal.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 23,613 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,834,708 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 89.5% ng total cases.

Nasa 43 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Sabado.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,858 total COVID-19 deaths o 1.67% ng total cases. Mary Ann Santiago