Binasag na ng actor-singer-model na si Markki Stroem ang kaniyang katahimikan hinggil sa isyung iniugnay sa kaniya sa mga aktor na sina Marvin Agustin at Piolo Pascual.

Nitong Enero 10 ay guest si Markki sa radio program nina Cristy Fermin at Romel Chika na 'Cristy Ferminute' sa TV5 para sa promotion ng kaniyang Cignal Play series na 'Delivery Gurl.'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/15/markki-stroem-hirap-itago-ang-bukol-yung-balls-ko-kasi-are-little-bit-bigger/

Diretsong tanong ni Cristy, ano raw ba ang masasabi niya sa naging isyu noon na mag-boyfriend umano sila ni Marvin?

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Kung babalikan, naisyu ang dalawa noong 2020 dahil sa kumalat na litrato na magkasama sila ni Marvin sa kama, at nakahilig pa ang actor-businessman sa kaniya habang natutulog. Hindi naman nagsalita si Markki tungkol dito.

“Si Marvin friend ko ‘yun, hanggang ngayon friend pa rin kami. And in my opinion it is our world, we can be friends with whatever we want to be and minsan were good friends, minsan hindi masyadong good friends, minsan hindi na kami okay, minsan okay pa kami in terms of relationship with different people," ani Markki.

“And in my opinion, I don’t really like to talk about my relationships with people in general, even ‘yung girlfriends whatever hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it’s not my story to tell,” dagdag pa ni Markki.

Maya-maya, muling humirit ng tanong si Cristy mula naman sa isang netizen na nagtatanong naman, kung ano naman daw ang ugnayan nila ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual. Minsan daw ay may naka-ispat sa kanilang sabay na nagja-jogging sa Bonifacio Glocal City (BGC) sa Taguig. Mukhang naintriga tuloy kung bakit sila magkasama.

“Ang dami-daming nagtetext sa akin na nakikita kayo ni Piolo Pascual sa BGC (Bonifacio Global City) na nagja-jogging. Lagi-lagi tuwing umaga ‘yan. Tinanong kita tungkol kay Marvin Agustin linawin na rin natin ‘yung kay PJ, magandang malinaw ‘yan,” sabi ni Cristy.

Sagot ni Markki, magkaibigan lamang sila ni Piolo dahil pareho sila ng talent management (Cornerstone).

“Friends kami ngayon, friends din kami ni Marvin, friends din kami ng maraming mga actors but at the end of the day, let’s just say nowadays yung mga friends ko are outside of the industry."

Giit pa ni Markki, "Hindi ako nakikipagkaibigan… minsan toxic for me. Actually, may mga friend din ako sa showbiz pero hi and hello lang… I mean nakita ko si Moira (Dela Torre) sa Cornerstone Christmas party hina-hug ko siya, hina-hug ko rin si Catriona (Gray)."

"Friends ko sila pero hindi kami sobrang close like katulad dati na lahat ng buhay ko is in the industry lang,” aniya pa.

Nauntag din si Markki sa kaniyang kasarian. Aniya, wala na umano siyang pakialam sa mga sasabihin ng mga tao tungkol sa kaniya.

"Isipin n’yo na lang kung anong gusto ninyong isipin, at the end of the day wala na akong paki to be honest sa mga sinasabi ng mga tao. That’s why probably hindi ako nananalo ng award kasi sobrang straightforward akong tao, eh."

“Sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko and sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko as a person and kung ayaw nilang tanggapin at maniwala kung ano ako, eh, sa kanila na lang ‘yun but at the end of the day, I live my life so happily kasi sobrang favorite button ko sa Facebook, block. ‘Yung block button na ‘yun, sobrang favorite ko ‘yun!”

Noong Disyembre, inamin ni Markki na isa siyang 'demisexual.' Ang mga demisexual ay sexually attracted lamang sa taong may emotional bond lamang sa kanila.