Bahagya pang tumaas sa 52 porsyento ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rate sa Metro Manila.

Ito ang isinapubliko ng OCTA Research Group nitong Lunes, Enero 10, at sinabing ito ang unang pagkakataon na naabot nito ang 50 porsyento sa rehiyon.

Nitong Enero 7, naitala ng nasabing independent monitoring group ang 50.5 porsyento ng positivity rate ng sakit.

“Napakataas na nito. At this level medyo nahihirapan na talaga ‘yung testing natin. Na-strain na siya at we’re starting to lose visibility of the situation, of the pandemic situation,” pahayag ni OCTA fellow Dr. Guido David sa isang television interview.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“Kasi pag mataas na ‘yung positivity rate hindi na masyadong clear if we’re testing enough of the cases na lumalabas,” dugtong nito.

Gayunman, kumpiyansa si David na hindi na ito lalagpas pa sa 60 porsyento sa susunod na mga araw.“Hopefully, hindi kasi, you know, kapag tumaas pa siya beyond 50%, kunyari tumaas to 60%, talagang we will be definitely losing visibility,” lahad ni David.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, at ito ay hanggang Enero 15, kung saan ang ilang negosyo ay pinapayagang mag-operate, gayunman, 30 porsyento lamang ng kapasidad sa indoor venue para sa mga bakunado at 50 porsyentong outdoor venue capacity, basta fully-vaccinated na ang mga trabahador ng negosyo.

Napansin din ng grupo ang pagtaas ng bilang kaso ng sakit sa iba pang rehiyon. "Ngayonnagisimulana mag-surge sa ibang regions outside NCR, hindi lang sa Calabarzon pero sa Visayas at sa Mindanao, may pagtaas na ng kaso na nangyayari doon,” padidiinpa nito.

Nitong Linggo, naitala ng bansa ang 28,707 bagong kaso ng sakit, ang pinakamataas na bilang mula nang magkaroon ng pandemya sa Pilipinas.