Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 10, 2022, ng all time high na 33,169 bagong kaso ng COVID-19.

Sanhi nito, umaabot na ngayon sa mahigit 157,000 ang mga aktibong kaso ng impeksiyon sa bansa.

Batay sa case bulletin #667 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,998,530 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 5.3% pa o 157,526 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 147,912 ang mild cases; 4,994 ang asymptomatic; 2,858 ang moderate cases; 1,461 ang severe cases; at 301 ang kritikal.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 3,725 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,788,711 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.0% ng total cases.

Nasa 145 lamang naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Lunes. Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,293 total COVID-19 deaths o 1.74% ng total cases.

Mary Ann Santiago