Kasunod ng surge ng coronavirus disease matapos ang kapaskuhan, nakapagtala ang Pasig City ng halos 2,000 aktibong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Enero 9.

Eksaktong 1,869 na kaso ang naitala sa lungsod, ayon sa lokal na pamahalaan.

Ito ay weekend increase na 787 na kaso kumpara sa 1,082 na naitalang kaso ng COVID-19 noong Biyernes, Enero 7.

Ang mga kaso ay galing sa barangay San Miguel (186), Manggahan (185), Ugong (139), Rosario (132), Pinagbuhatan (112), Dela Paz (110), at Sta. Lucia (94).

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?