Ipininagpaliban ng Far Eastern University (FEU) ang pagsisimula ng face-to-face classes sa gitna ng pagtaas ng impeksyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa isang advisory, sinabi ng FEU na nareset na ang nakatakdang pagsisimula ng face-to-face classes para sa ikalawang semestre ng school year 2021-2022.

Inanunsyo ng unibersidad na gaganapin ang mga klase online simula Enero 17 hanggang Pebrero 12.

“Let’s all do our part in keeping each other safe as we go through another surge in this pandemic,” anang FEU.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“FEU will continue to monitor the situation and communicate additional updates within the next few weeks.”