Nakakataba ng puso ang kwentong ibinahagi sa Facebook post ni Jessica Absalon matapos masaksihan ang nakakaantig na kwento ng mag-lolo sa isang kainan.

Pagbabahagi ni Absalon, nais daw subukan ng bata na kumain sa kainang iyon kasama ng kanyang lolo ngunit sinabi ng lolo na mag-ipon muna sila.

Matapos malaman ng bata ang presyo ng unli samgyupsal ay nagpaalam ito sa staff at sinabi na babalik na lamang sila.

Dagdag pa ni Absalon, bumalik ang mag-lolo bandang ala-sais ng gabi dala ang 199 pesos na tig-babarya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ani ng bata sa staff, "Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain."

Nilapita ni Absalon ang mag-lolo at sinabi na kumain na lamang sila at huwag nang magbayad. Pina-take out naman niya ang mga tirang pagkain upang may makain pa sila pagka-uwi.

Matapos ang nakakaantig na istorya ng mag-lolo ay ibinahagi ni Absalon ang kanyang natutunan sa publiko.

"Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contented and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn," ani Absalon.

Ani Absalon, tuwing umaga ay palaging na store ang mag-lolo at dumaraan din ang mga ito bago umuwi.