Walumpung porsyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang naniniwala ngayon na tapos na ang pinakamalalang yugto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas nitong Biyernes, Ene. 7.

Ang nationwide survey na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021, lumalabas na sa 1,440 ang mga umaasang “the worst is behind us” sa COVID-19 crisis ay tumaas mula 38 percent noong Setyembre 2021 hanggang sa record-high na 80 percent noong Disyembre 2021 .

Naungusan nito ang dating record na 69 percent noong Nobyembre 2020, sabi ng SWS.

Tinukoy ng SWS na ang porsyento noong Disyembre 2021 ng mga nagsasabing ang pinakamasamang kaso ng COVID-19 ay lumampas na sa pinakamataas na rekord sa lahat ng lugar – 83 porsyento sa Mindanao, 82 porsyento sa Metro Manila, 81 porsyento sa Balance Luzon, at 75 porsyento sa Visayas.

National

'Walang atrasan!' 2 senador, sinigurong tuloy ang impeachment trial sa Hunyo 11

“Compared to September 2021, those saying ‘the worst is behind us’ rose by 47 points from 34 percent in Balance Luzon, by 45 points from 37 percent in Metro Manila, by 39 points from 36 percent in the Visayas, and by 34 points from 49 percent in Mindanao,” ano SWS.

Dagdag pa nito, “Conversely, those fearing ‘the worst is yet to come’ fell sharply from 60 percent in September 2021 to 19 percent in December 2021. This is the lowest since the 31 percent in November 2020.”

Ang mga nangangamba sa "the worst is yet to come" ay mas mataas sa Visayas (24 porsiyento) kaysa sa Metro Manila (18 porsiyento), Balance Luzon (17 porsiyento), at Mindanao (17 porsiyento).

“Compared to September 2021, those saying ‘the worst is yet to come’ fell by 48 points from 65 percent in Balance Luzon, by 43 points from 61 percent in Metro Manila, by 38 points from 62 percent in the Visayas, and by 32 points from 49 percent in Mindanao,” sabi ng SWS.

Pangambang mahawaan ng COVID-19

Natuklasan din ng survey noong Disyembre 2021 na 88 porsiyento ang labis/medyo nag-aalala (72 porsiyento ang labis na nag-aalala, 16 porsiyento ang medyo nag-aalala) at 12 porsiyento ang medyo nag-aalala/hindi nag-aalala (5 porsiyento ay medyo nag-aalala, 7 porsiyento ay hindi nag-aalala) na baka magkaroon ng COVID-19 ang sinuman sa kanilang malapit na pamilya.

Sinabi ng SWS na ang pinakahuling porsyento ng mga labis o medyo nag-aalala sa pagkahawa ng COVID-19 ay tatlong puntos na mas mababa sa 91 porsyento – 76 porsyento na labis na nag-aalala at 15 porsyento ay medyo nag-aalala – noong Setyembre 2021.

Ang porsyento ng mga labis/medyo nababahal sa pagkahawa ng COVID-19 ay pinakamataas sa Visayas (94 porsyento), sinundan ng Mindanao (91 porsyento), Metro Manila (87 porsyento), at Balanse Luzon (84 porsyento).

Ellalyn De Vera-Ruiz