Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nagpapatuloy ang pagkakaloob nila sa mga mamamayan ng booster shots laban sa COVID-19.

Gayunman, inamin din ni Sotto na hindi sila makapagbukas ng karagdagang vaccination sites dahil sa kakulangan ng manpower.

Ayon kay Sotto, karamihan sa kanilang mga health personnel sa ngayon ay naka-quarantine dahil sa COVID-19.

Umapela rin naman siya ng pang-unawa at pasensya sa mga mamamayan.

National

Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'

“Our COVID-19 booster shots are still ongoing,” ayon kay Sotto, sa kanyang Twitter account.

“However, we are unable to open more sites due to the lack of manpower. Many of our health personnel are under quarantine,” aniya pa.

“Thank you for your patience and understanding during these trying times,” dagdag pa ng alkalde.

Mary Ann Santiago