Nakiisa nitong Sabado, Enero 8, ang Las Piñas City government sa panawagan ng Department Of Health (DOH) na magpabakuna na ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17 kontra COVID-19.

Sa inilabas na mahalagang pabatid ng lokal na pamahalaan, sa Enero 10-12, 2022 ay hinihikayat ang mga kabataang edad 12-17 na hindi pa bakunado/unvaccinated, na tanggapin ang libreng bakuna mula sa gobyerno. 

Nagtakda ang Las Piñas LGU ng mga vaccination site na maaaring puntahan upang doon magpabakuna ang mga kabataang nabanggit at ipapaskil naman ang schedule ng vaccination at iba pang detalye sa City of Las Piñas Official Facebook page.

Pinaalalahanan naman ang mga magpapabakuna na mangyari lamang na hintayin ang text message na nagsasaad ng kanilang oras ng bakuna at vaccination site.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Layunin nitong maiiwas ang pagdagsa sa mga vaccination site at mapanatiling nasusunod ang health at safety protocols para sa kaligtasan ng lahat.

 Bella Gamotea