Nakapagtala ng matinding pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases ang Pateros, ang pinakamaliit na lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ayon sa Pateros municipal government, tumaas sa 162 ang aktibong kaso sa lugar kabilang na ang 16 na naitalang bagong kaso noong Enero 6.
Sa 162 na aktibong kaso, 55 ang asymptomatic habang 107 ang mild cases. Nasa 159 naman ang nasa ilalim ng isolation habang tatlo naman ang para sa isolation.
Pansamantalang isinara ang opisina ni Pateros Mayor Miguel "Ike" Ponce III simula noong Enero 5 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanyang mga empleyado.
Isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Metro Manila sa Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang Enero 15.
Jonathan Hicap