Tinatayang aabot sa 21,000 na bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasira sa paghagupit ng bagyong 'Odette' noong Disyembre 2021, ayon sa Department of Health (DOH).

“We have initially about 21,000 doses that have been officially reported as wastage,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje nitong Biyernes, Enero 7.

Aniya, ang pagkasira ng mga bakuna ay naiulat saCentral Visayas, Eastern Visayas, Caraga, at Iloilo.

“Yung iba po hindi pa nagsa-submit ng report. 'Yung isang problema kasi natin ngayon, walang kuryente, connectivity. Kailangan mas kumpleto ang report sana.We are completing the reports and hopefully in the next one or two weeks we will have the final report of ilan talaga ang na-damage,” anang opisyal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binanggit din ni Cabotaje na itinuloy na ng ilang lugar na tinamaan ng bagyo, katulad ngMimaropa, Southern Leyte, at Iloilo ang pagbabakuna.

“Sa Region 7… 70 to 75 percent palang ang nag-resume. Ang Caraga, Surigao del Norte, Dinagat Islands, ‘di pa 100 percent," pahayag pa ni Cabotaje.

Analou de Vera