CAMP MARCELO ADDURU, TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang riding-in-tandem na tumangay ng mahigit sa ₱1 milyong koleksyon ng isang courier company na idideposito sana sa isang bangko sa Barangay Villasis, Santiago City sa Isabela kamakailan.
Sa paunang ulat ng Santiago City Police, nakilala ang dalawang kawani ng J & T Express na hinoldap na sinaJerick Tangalin Bilog, 25, taga-Rizal, Santiago City at Ginalyn Flores Lorenzo, 22, taga-Divisoria ng lungsod.
Sa pahayag nina Bilog at Lorenzo, patungo na sana sila sa isang bangko upang ideposito nang harangin silang dalawag armadong lalaking nakamotorsiklo sa Perez St., Villasis at tinangay ang dala-dala nilang₱1,094,000.00.
Kaagad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang panghoholdap, gayunman, nahagip sila ng mga closed-circuit television (CCTV) camera.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.
Liezle Basa-Iñigo