Inaasahan ng independent monitoring group na OCTA Research Group na malalampasan pa ngNational Capital Region (NCR) ang record nito ngayong Huwebes, Enero 6, 2022 at makapagtatala ng 10,000 hanggang 11,000 bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa kanilang pagtaya ay aabot naman ng 15,000 hanggang 16,000 bagong kaso ng COVID-19 ang maitatala sa buong bansa ngayong Huwebes.

Pagsapit naman aniya ng Biyernes, Enero 7, 2022, ang bansa ay inaasahang makapagtatala na ng mahigit sa 20,000 new COVID-19 cases.

“NCR expected to break records today 1.6.21 with 10K to 11K new cases, and 15 to 16K in the country. Tomorrow, the country is likely to exceed 20K new cases,” ani David sa kanyang Twitter account.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Base sa January 6, 2022 report ng OCTA, na ibinahagi ni David sa Twitter, nabatid na ang daily positivity rate ng NCR ay nasa 45% na hanggang noong Enero 4, 2022.

“This projects to 15000 to 16000 new Covid-19 cases in the Philippines on January 6, with 10000 to 11000 new cases in the NCR,” tweet pa ni David.

“This would eclipse the previous high in the NCR of 9031 on September 11, 2021,” aniya pa.

“And the surge has not peaked yet,” dagdag pa ni David. “The country is expected to exceed 20000 new cases by January 7.”

Mary Ann Santiago