Tiyak ang sagot ng actress-beauty queen na si Cindy Miranda na hinding-hindi siya makikipag-jugjugan sa loob ng kotse, o tinatawag na 'car fun', na ginagawa raw ng karamihan.

Naurirat siya ng mga showbiz reporters sa ginanap na virtual media conference para sa pelikula nila ni Sid Lucero na 'Reroute' sa ilalim ng Viva Films, na mapapanood naman sa Vivamax.

Mag-asawa ang papel nina Cindy at Sid sa kuwento ng pelikulang ito na suspense-thriller kasama rin sina John Arcilla at Nathalie Hart.

Sa trailer ng movie, talagang umaatikabo na ang eksena kung saan ipinakita ang pagtatalik nina Cindy at Sid sa loob ng kotse hanggang sa may taong nakahuli sa kanilang ginagawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tanong ng mga showbiz reporters, kaya ba ng sikmura niya na gawin iyon sa tunay na buhay?

"May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa 'yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it," ani Cindy.

"So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba? Feeling ko talaga bawal, kasi respect 'yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi siyempre gumagalaw yung car. Nakaka-disturb 'yun sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip," aniya.

"May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam. Maybe, we respect na lang people and do it in private. I’m not against naman sa mga taong gumagawa niyan. Sometimes, it’s just for fun. Sometimes, you just need it," aniya pa.

Sid Lucero at Cindy Miranda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Mapapanood ang 'Reroute' sa Enero 21 sa Vivamax.