Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na 93% ng mga namatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong 2021 ay hindi bakunado.

Ito aniya ay base na rin sa datos ng DOH mula Marso hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

“Yung namatay ho occurred in 93% sa mga unvaccinated,” pahayag ni Vega.

Idinagdag pa niya na ang 80% ng mga naospital dahil sa sakit ay hindi rin mga bakunado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mary Ann Santiago