Hindi pa man nag-iisang buwan matapos ang Miss Universe 2021 finals kung saan itinanghal na titleholder si Harnaaz Sandhu mula sa bansang India, maghahanda na ang MU Philippines organization upang maghanap sa susunod sa yapak ni Top 5 finisher Beatrice Luigi Gomez.

Sa official Facebook page ng Miss Universe PH, inanunsyo nito ang nakatakdang screening para sa susunod na set of queens sa darating na Pebrero.

Hinimok ng national organization ang aspiring queens na ihanda na ang kanilang profiles at mga papeles para sa prestihiyusong kompetisyon.

“Another year, another set of queens! The most prestigious pageant in the country will start its screening in February 2022. Get your profiles and papers ready, aspiring queens!” caption ng MUP sa kanilang anunsyo nitong Lunes, Enero 3.

Human-Interest

Estudyanteng naputulan ng paa dahil sa sakit, gustong magkaroon ng prosthetic leg

Tila sa Abril na rin isasagawa ang finals ng kompetisyon.

“We’re brewing something phenomenal. Miss Universe Philippines 2022, this coming April. Stay tuned!”