Kinuwestiyon ni Bayan Muna partylist Rep. Ferdinand Gaite noong Martes ang desisyon ng mga alkalde ng Metro Manila na pagbawalan lumabas ang mga hindi pa nabakunahan dahil aniya kahit ang mga nabakunahan ay maaari pa ring makakuha ng COVID-19.

Sinabi ni Gaite na “hindi dapat maglabas ng blanket statement” ang mga alkalde sa Metro Manila nang nilagdaan nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 22-01 dahil may mga indibidwal na hindi nakakakuha ng bakuna batay sa “medical, religious o personal na dahilan."

“Hindi pa sapat ang suplay ng bakuna na responsibilidad ng pamahalaan tapos ngayon halos gawing mandatory ito,” dagdag ng mambabatas.

Sa halip, itinulak ng mambabatas ang libreng mass testing, na hindi nangangahulugang pagtest sa lahat ng indibidwal ngunit malawakang pagsusuri sa mga may sintomas, may exposure at mga nagmumula sa high risk na lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

John Pedrajas