Dahil sinimulan nang ipatupad ang Alert level 3 sa MetroManila dulot ng mabilis na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), pansamantalang isinara ang Out Patient Department OPD) at iba ang departamento ng Caloocan City Medical Center (CCMC).
Gayunman, inanunsiyoni Mayor Oscar Malapitan na bukas pa rin ang Emergency department o Emergency Room (ER) ng ospital upang makapagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente simula ngayong araw.
Hindi naman mahihinto ang telehealth operation nito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pasyente na magpakonsulta sa mga hospital doctor.
Payo ng alkalde sa publiko, kumpletuhin ang listahan ng mga numero at schedule ng mga doctorpara sa mabilisang konsultasyon.
Sa pinakahuling datos ng City Health Department (CHD), nasa 80 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Orly Barcala