Nagulat na lamang ang photographer na si Marvin Ponce matapos nitong kuhanan ng larawan ang limang magkakaibigan na sabay-sabay na nagdadalang-tao.

"Na-excite ako kasi first time ko nag-shoot ng group picture na maternity at mag-friends pa sila. Nag-wonder talaga ako kung paano nagsabay-sabay silang buntis," ani Ponce sa isang interview sa "24 Oras."

Samantala, sa interview rin ng 24 Oras, inamin ni Cherley Mae Nicolas, isa sa mga nagdadalang-tao, hindi umano nila plinano magkaka-ibigan na sabay-sabay na magbunti

Dagdag pa ni Nicolas, umamin ang isa nilang kaibigan noong Agosto 13, monthsary nilang magkakaibigan, at sinundan rin ito ng pag-amin ng kanilang mga kaibigan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Aniya, "'Yung day na 'yon, nagsabi siya sa amin na 'Day, I have news. Buntis ako.' Tapos 'yon, natawa na lang kaming lahat. Sunod-sunod nagsabi na, 'Ako rin.'"

Mag-14 taon nang magkakaibigan sila Nicolas at mga kaibigan nito. Pinangalanan nilang "Bhaikazy" ang kanilang grupo. At ngayon, balak nilang palakihin ang kanilang mga anak na magkakaibigan rin tulad nila.