Umabotna ngayon sa halos 25,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 4,084 bagong kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Enero 3, 2022.

Batay sa case bulletin #660, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,855, 819 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 0.9% pa o 24,992 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa mga aktibong kaso, 19,252 ang mild cases; 3,051 ang moderate cases; 1,563 ang severe cases; 795 ang asymptomatic at 331 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 497 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,779,241 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.

Nasa 16 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, ngunit ang mga ito ay pawang naganap pa noong nakaraang taon.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,586 total COVID-19 deaths o 1.81% ng total cases.

Mary Ann Santiago