Nagpositibo muli sa coronavirus disease (COVID-19) sa pangatlong pagkakataon si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ayon sa kanyang chief of staff na si Peter Pardo, naka-isolate na ngayon si Rubiano ngunit hindi nabanggit kung saan health facility.

Wala ring nabanggit si Pardo kung anong klaseng variant ang dumapo sa alkalde ngunit ito ay "symptomatic."

Sinabi niya sumama ang pakiramdam ng alkalde noong Sabado ng nakaraang linggo at nagsimulang sumakit ang lalamunan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad naman sumailalim sa RT-PCR test ang alkalde at ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang nagpositibo si Rubiano noong Pebrero at Hulyo noong nakaraang taon.

Jean Fernando