Nanawagan si Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa pambansang pamahalaan na agad na magbigay ng karagdagang pondo para matulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Partikular na hiniling ni Rodriguez sa Department of Budget and Management (DBM) na ilabas ang 2022 national budget “sa darating na Lunes,” na nilagdaan ni Pangulong Duterte dahil “ang ating mga mamamayan sa Mindanao, Visayas at Southern Luzon ay patuloy na naghihirap kasunod ng pananalasa ng kamakailang malakas na bagyo at naghihintay pa rin ng tulong ng gobyerno.”

Ito ang panawagan ng mambabatas bilang bahagi pa lang ng ipinangako ng Pangulo na P10-bilyong tulong ang inilalabas sa ngayon.

“We should help them rebuild their homes, livelihood, their communities, and their lives,” ani Rodriguez na pinadapa rin ang tahanan sa paghagupit ni Odette sa kanilang probinsya.

Probinsya

Bangkay ng hinihinalang NPA, nadiskubre ng militar kasama ng iba pang mga armas

Ayon kay Rodriguez, hindi bababa sa P27 bilyon ang disaster response-related funds na makukuha sa 2022 national budget para matulungan ang mga apektado ng bagyo.

Aniya, mayroong P7-billion contingency fund sa nasabing budget na magagamit ng gobyerno.

Ang isa pang mapagkukunan ng pondo ay ang ang P20-billion national disaster risk reduction and management fund.

Joseph Pedrajas