Nagpasalamat sa publiko ang mag-aaral na si Marco Jones Sagun, mula sa Bolinao, Pangasinan matapos makalimok ng sapat na halaga para masiguro ang pwesto sa confirmation slot sa Bentley University.

Sa Facebook post ni Sagun, sinabi nito na hindi niya inaasahan ang pagdagsa ng tulong ilan araw lamang nang manghingi ito ng tulong.

Aniya, "Di ko po talaga inexpect na ganito po kabilis lolobo ang inyong mga tulong. Nag-uumapaw po ang inyong mga tulong, subalit nais ko pong ipahayag sainyo na sinasara ko na po ang aking mga donation portals upang maitulong niyo pa po sa ibang nangangailangan."

Dagdag pa ni Sagun, pormal na niyang isinasara ang kanyang linya para sa pagtanggap ng donasyon dahil $1000 lamang ang hiningi niyang tulong sa publiko.

Human-Interest

ALAMIN: Ang istorya sa likod ng viral FB post na 'Ang munting candy at kuwento ng tagumpay'

Basahin: Estudyanteng anak ng mangingisda, nakapasa bilang Presidential Scholar sa Bentley University

Ayon naman sa estudyante, sisikapin niyang matustusan ang iba pang gastuhin sa pamamagitan ng pagiging working student.

Ani pa Sagun, alam niyang mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho ngunit naniniwala siya na kakayanin niya ito para sa kanyang pangarap.

Patuloy pa rin na maglalabas ng update si Sagun ukol sa kanyang application status sa nasabing unibersidad.