Isa pang COVID-19 vaccination site na nakatuon para sa booster shots ay nakatakdang magbukas sa Valenzuela City sa Enero 2022, inihayag ng lokal na pamahalaan nitong Lunes, Disyembre 27.

Ang mga residenteng ganap na nabakunahan ay maaaring kumuha ng kanilang COVID-19 booster shot sa Serrano Elementary School sa Barangay Marulas, Valenzuela City simula Enero 3, 2022.

Para makapag-avail ng booster shot, kailangang ganap na bakunado ang isang residente nang hindi bababa sa anim na buwan o tatlong buwan para sa mga naturukan ng Janssen vaccine.

Pinayuhan ang mga residente na magdala ng ValTrace QR Code, VVCax passport, at medical certificate sa kanilang nakatakdang oras at petsa para sa booster shot.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot nitong Nob. 25 sa pag-apruba ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Cherrylin Caacbay