May paglilinaw na ipinahayag ang Kapuso komedyante na si Super Tekla sa kanilang show sa “Boobay and Tekla Show” (TBATS) ng GMA-7. Ito ay sa mga kuwentong napagkikita ang komedyante sa dati niyang kalive-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Haka-haka tuloy ng mga tao na nagkabalikan na uli ang dalawa.

Pero sa segment ng TBATS na Sasagutin o Kakainin tinanong siya ni Boobay kung may nangyaring balikan sa magdyowa. Tahasang sinagot ito ni Super Tekla. Aniya, “Sa kaalaman ng lahat hindi po kami, wala po kami ni Michelle.”

May mensahe namang ipinarating si Super Tekla sa dating partner.

Sabi niya, “Ingatan mo si Angelo dahil yan lang ang matitira nating pag-asa. Pag 'yan pinabayaan mo parang wala na hindi na kita mapapatawad talaga. Siyempre si Angelo kailangan ng Nanay yan.” Aminado naman si Super Tekla na ang anak nilang si Angelo ang nagiging koneksyon nila ni Michelle.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi naman nakasagot si Super Tekla at napakamot na lang nang humirit ng katanungan ang Mema Squad na si Buboy Villar na if ever daw sabihin ng dating ka-live in na mahal pa rin niya si Super Tekla. Imbes na sagutin ibinalik ang katanungan kay Buboy tsaka na lang nagkahagalpakan ng tawa ang lahat sa show.

Matatandaang last year nagkaroon ng eskandalo sila Super Tekla at Michelle na nauwi sa hiwalayan. Umabot pa na humingi ng tulong ang huli sa Hari ng Public Service” at “Idol” ng Masa na si Raffy Tulfo. In the end, nagkaayos din ang dalawa para sa kanilang anak.

Basahin:https://balita.net.ph/2020/10/23/hindi-totoo-hindi-ko-magagawa-super-tekla/" target="_blank">https://balita.net.ph/2020/10/23/hindi-totoo-hindi-ko-magagawa-super-tekla/

Binati naman ni Super Tekla ang kanyang mga anak na sina Aira, Angelo at isang blank. Sino kaya yung blank at sino ang ina?

Samantala, inamin naman ni Buboy na si Barbie Forteza raw ang aktres na binalak niyang ligawan noon pero hindi natuloy. Dahilan ng komedyante? May mga priorities daw kasi siya na dapat pagtuunan ng pansin noon. Yun na!