Hindi malaman ng dancer-choreographer na si Anna Feliciano kung paano niya pasasalamatan si 'Wowowin' host Willie Revillame dahil sa natanggap niyang Christmas gift mula rito: isang mamahalin at bagong kotse!

Kuwento ni Anna sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 25, noong una raw ay hindi niya nagustuhan na inutusan siya ni Willie sa mismong araw ng holiday, para kunin ang napanalunan ng isang contestant sa '12.12' event ng isang online shopping app, na kine-claim na nito. Kailangan umano ng representative mula sa show.

Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikitang medyo matagal mag-reply si Anna.

May be an image of text that says 'Boss Wil New Edit Today 9:15 AM Anna, good morning. saglitan mo muna puntahan ang cherry. may emergency daw sa claim ng nanalo noong 12.12. pakiasikaso mo muna, nandoon si jo siya ang hanapin mo Today 9:23 AM Gyd morning kuya. After lunch pa ako makapunta, nandito pa sina April sa house. OK lang po ba? Today 9:25 AM Before lunch puntahan mo, need ng representative ng show para marelease Today 9:26 AM Mabilis lang iyon, kawawa naman ang nanalo maginty ng matagal doon Today 9:27 AM Eto ang numbr ni jo kau na mag usap Today 9:28 AM'
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

Maya-maya, makikita sa conversation thread na nagpasalamat na si Anna kay Kuya Will.

May be an image of text
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

"Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag workin in Christmas Day. Yun pala may surprise. Thank you very much kuya!!! Graveee ang pasabog mo! Yes kuya, I will never leave the show. Loyal ako sa'yo, you know that. From Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko," caption ni Anna, kalakip ang mga litrato ng kaniyang bagong sasakyan na kulay-kahel, at mga screengrab ng kanilang pag-uusap ni Kuya Wil.

Ayon kay Kuya Wil, deserve na deserve umano ni Anna ang naturang kotse dahil sa kasipagan at kahusayan nito sa trabaho. Isa pa, 'suhol' umano ito kay Anna para hindi nito iwanan ang Wowowin, dahil nabalitaan umano ng host na may mga kumakausap kay Anna mula sa ibang show.

Inutusan na rin niya si Anna na maghanap ng mga bagong dancer dahil unti-unti na umano silang magba-back to normal sa 2022.

May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa mga pinakamayayamang celebrity sa industriya ng showbiz. Nang umalis siya sa ABS-CBN dahil sa naging isyu sa 'Wowowee' sa ABS-CBN ay sumama sa kaniya si Anna Feliciano. Bitbit niya si Anna sa TV5 at finally, nang lumipat na sila sa Kapuso Network.