Lumampas na sa P4 bilyon ang pinsala ng Bagyong Odette sa mga produktong pang-agrikultura sa buong bansa, ayon sa pinakahuling datos na natanggap ng Department of Agriculture mula sa ground personnel nito.

Batay sa ulat ng DA-DRRM Operation Center, umakyat na sa P4.3 bilyon ang pinsalang idinulot ni Odette sa 104,561 metric tons (MT) at 70, 177 ektarya ng agricultural areas sa Visayas at Mindanao.

Sa nasabing pinsala, apektado ang nasa 61, 581 magsasaka at mangingisda.

Kabilang sa mga commodity at makinang nawasak ng bagyo ang palay, high-value crops (HVC), livestock, fisheries, agricultural infrastructures, disinfectant, applicator, mechanical fryer, rice mill, forage, cassava spinnerr at shredder.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ang CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at Caraga ay kabilang sa mga apektadong rehiyon.

Sabi ng DA-DDRM, ilalabas nito ang mga karagdagang update at ulat kaugnay ng mga pinsala sa mga lugar na tinamaan ni Odette.

Upang matulungan ang mga agri areas na sinalanta ni Odette, naglaan ang departamento ng P2.6 bilyong halaga ng readily-available assistance sa mga magsasaka na apektado; P1 bilyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; P148-M halaga ng buto ng mais, P44.6-M halaga ng sari-saring gulay; P500 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC); P1.64-M halaga ng fingerlings at tulong sa mga apektadong mangingisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR); mahigit P600,000 halaga ng tulong at gamot para sa mga pangangailangan ng mga hayop at manok mula sa Regional Field Office (RFO V); at P828 milyon mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para mabayaran ang mga apektadong magsasaka at makapagsimula muli.

Faith Argosino