Makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng Maynila at Quezon City mula Martes, Disyembre 28 hanggang Miyerkules, Disyembre 29, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Nitong Sabado, Disyembre 25, inihayag ng Meralco na ililipat ang mga pasilidad sa pagtatayo ng NLEX-SLEX connector road sa Sampaloc, Manila dahilan ng pansamantalang pagkawala ng kuryente.

Magkakaroon ng power interruptions sa pagitan ng 11:30 p.m. at 11:59 p.m. sa Disyembre 28 at sa pagitan ng 5:00 a.m. at 5:30 a.m. sa mga sumusunod na lugar:

-Bahagi ng A. Maceda St. mula España Boulevard hanggang Piy Margal St. at P. Florentino St. sa Sampaloc, Manila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Bahagi ng Piy Margal St. mula A. Maceda St. to A.H. Lacson Avenue. Kabilang sa mga apektadong kalye ang Sampaloc, Manila, ang Carola, Don Quijote, Dos Castillas, Gen. Geronimo, J. Marzan, Kundiman, Maria Cristina, Metrica, Miguelan, at Prudencio.

-Sid-Ann Printing Services Inc. at JNJ Summithill Inc. sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng P. Florentino St. mul Antipolo St. hanggang A.H. Lacson Avenue. Kabilang sa mga apektadong kalye ang Don Quijote, J. Marzan, M. Dela Fuente, R. Cristobal, a 2 V.G. Cruz.

-Bahagi n A.H. Lacson Avenue mula P. Florentino St. hanggang Piy Margal St. kabilang ang Dominican School Manila sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng Blumentritt Road mula P. Florentino St. hanggang España Boulevard sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng España Boulevard mula Miguelin St. hanggang Dos Castillas St. Kabilang sa mga apektadong kalye ang Don Quijote, J. Marzan, M. Dela Fuente, Maria Cristina at V.G. Cruz.

-Bahagi ng E. Rodriguez Sr. Avenue mula Welcome Rotonda hanggang Matimyas St. kabilang ang PYCOR Inc. sa Brgy. Don Manuel, Quezon City.

Magkakaroon din ng power interruptions mula 11:30 p.m. sa Dis. 28, hanggang :30 a.m. sa Dec. 29 sa mga sumusunod na lugar:

-Bahagi ng Antipolo St. mula Dapitan St. hanggang España Boulevard, kabilang ang P. Florentino St., sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng P. Florentino St. mula Antipolo St. hanggang Prudencio St. kabilang agn Craig at Kundiman streets sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng P. Florentino St. mul Antipolo St. hanggang Kundiman St. kabilang ang San Diego St. sa Sampaloc, Manila.

-Bahagi ng España Boulevard mula R. Cristobal Sr. St. hanggang Blumentritt Road.

-Bahagi ng Blumentritt Road mula España Boulevard hanggang Remedios St. sa Sampaloc, Manila. 

Khriscielle Yalao