Nagpatupad ang San Miguel Corporation (SMC) ng toll holiday o libreng toll fee bilang pamaskong handog para sa mga motorista nitong Pasko at sa Bagong Taon.

Nabatid na ang toll holiday o libreng toll fee ay ipinatupad ng SMC sa lahat ng expressways na kanilang pinangangasiwaan simula alas-10:00 ng gabi ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2021, hanggang alas-6:00 ng umaga ng Christmas Day, Disyembre 25, 2021.

Muli naman itong ipatutupad mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31, 2021 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2022.

Habang may toll holiday, hindi muna kailangang magbayad ng toll fee ng mga motorista kung dadaan sila sa Southern Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR toll), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pag-waive ng toll fee sa mga tollways tuwing holiday ay naging taunang tradisyon na ng SMC upang mabigyan ng libreng access ang mga motorista sa kanilang mga toll roads.

Mary Ann Santiago