Sinagot ni Kapuso star Kyline Alcantara ang tanong ng isang netizen kung 'in a relationship' na ba siya, at ang itinuturong karelasyon ay ang anak na lalaki nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na si Mavy Legazpi.

Ipinaliwanag ni Kyline na ang kanilang relasyon ay sila lamang ang makapagpapaliwanag. Para daw itong 'friendship na may ibang level'.

"It’s a yes. It’s like friendship na relationship. Kung anong meron kami, it’s really our own,” saad ni Kyline sa kaniyang latest vlog kung saan sinagot nila ni Mavy ang mga tanong sa kanila ng mga netizen.

“There are many types of relationship, and kung ano man ang meron kami ngayon, it’s really our own,” paliwanag pa ni Kyline.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Lagi raw nasa tabi niya si Mavy lalo na sa mga oras ng pangangailangan.

“The fact that he’s always there even though ilang beses ko siya pinu-push away. Kung alam n’yo lang, he’s always there. And I’m not gonna deny it, I took advantage of it. I just feel so guilty and sorry about that and of course, sad about that. Like hindi ko siya binigyan ng chance to show himself to me."

“Kaya lagi kong sinasabing lagi siyang nariyan, everytime na nasa rock bottom ako but then I realized na… Ahhh, kaya pala lagi siyang nariyan kasi he’s taking care of me from a distance," pag-amin ni Kyline.

Sinagot naman ni Mavy ang tanong sa kaniya ng netizen na 'Kailan mo na-realize na gusto mo na jowain si Kyline dahil hindi mo na siya pang-tropa?'

“'Yan! 'Yan talaga! Ito ‘yung pang-1 million views,” pabirong sabi ni Mavy, bagi sumagot nang seryoso.

“May event kaming pinuntahan ni Cassy (Legazpi) tapos kasama si Ky (Kyline Alcantara). Tapos naroon ‘yung Honne. Ang ganda pa naman ng music tapos ayun lang, tumibok ‘yung puso ko,” sagot ni Mavy. Kitang-kita naman ang pigil na pagngiti at pagkakilig ni Kyline sa kaniyang mukha.

Magkatambal ang dalawa sa teleseryeng 'I Left My Heart in Sorsogon' na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap, na napapanood sa GMA Telebabad.