Karagdagang 288 bagong kaso ng coronavirus disease (2019) ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, Disyembre 23.
Umabot na sa 2,837,903 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus sa bansa. Sa naturang bilang, 9,251 na pasyente pa rin ang may sakit ayon sa DOH.
“Of the 288 reported cases today, 241 (84 percent) occurred within the recent 14 days (Dec. 10- Dec. 23, 2021). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR [National Capital Region] (63 or 26 percent), Region 6 (38 or 16 percent) and Region 4-A (27 or 11 percent)," anang DOH.
Sa aktibong kaso, 3,393 ang nasa moderate confdition, 3,204 ang mild symptoms, 1,797 ang severe symptoms, 480 ang walang sintomas, at 377 ang nasa kritikal.
Umakyat sa 50,981 ang death toll nang makapagtala ng karagdagang 65 na namatay sa sakit.
Samantala, 270 naman ang gumaling sanhi upang umabot sa 2,777,671 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.
Sinabi rin ng DOH na 13 laboratoryo pa ang hindi nakakapagsumite ng kanilang datos sa DOH COVID-19 system.
Analou de Vera