Muli na namang nagpakita ng kaniyang kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa ang bakeshop owner na si John Eric Enopia matapos niyang ibahagi ang kaniyang engkuwentro sa isang nakabisikletang tatay na bibili lamang umano ng sapatos, sa katabi nilang shoe shop, na matatagpuan sa Imus, Cavite.

"Pasko na talaga… Kanina si Tatay dumating sa shop, makiki-park daw ng bike kasi bibili ng sapatos. Sabi ko huwag na niyang i-lock, ako nang bahala magbantay sa bike niya. Yung katabi ko kasing store eh tindahan ng mga sapatos.

Halos 2 oras siya sa pila, tapos paglabas niya, nanlulumo siya, tinanong ko siya, 'Tay kumusta?' Kasi sa pila pa lang inoobserve ko na siya. Mukha siya pagod na pagod," kuwento ni Enopia.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May be an image of 10 people, drink and indoor
Larawan mula sa FB/The Cooking Dad Bake and Brew

May be an image of 11 people and people standing
Larawan mula sa FB/The Cooking Dad Bake and Brew

Inusisa niya ang tatay at naikuwento nito na isa itong MMDA street sweeper at naghahanap siya ng sapatos. Kaya lang, wala raw sukat para sa kaniya.

"Sabi ko, hindi puwede teka gawan natin nang paraan. Kinausap ko yung staff ng shoe store, sabi ko hanapan n'yo s'ya ng size kahit anong design. Ako magbabayad," wika ni Enopia.

Habang naghahanap umano ng sapatos na kakasya sa naturang MMDA street sweeper ay lumapit ang may-ari ng gusali na nirerentahan niya. Isinalaysay niya ang nangyari.

"Bakit isa lang? Bigyan mo ng tatlo, ako magbabayad," wika ng building owner na nagngangalang Sir Sherwin.

"Sobrang natuwa talaga ako, lalo na si Tatay. Hindi lang isa, tatlo ang sapatos nya. Salamat kay Sir Sherwin, pati na rin sa staff ng Jams Shoes na nag-asikaso sa amin…"

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/The Cooking Dad Bake and Brew

May be an image of 2 people and footwear
Larawan mula sa FB/The Cooking Dad Bake and Brew

May be an image of 3 people and bicycle
Larawan mula sa FB/The Cooking Dad Bake and Brew

Si John ay bakeshop-coffee shop owner ng 'The Cooking Dad Bake & Brew' na nauna nang maging viral noong 2020 dahil sa pagmamalasakit niya sa isang Lalamove rider na binigyan niya ng libreng iced coffee at pinayagang kumain sa isa sa kanilang mesa.

Nagdo-donate umano sila sa 'Save the Children Philippines' para makatulong sa mga batang nagsasagawa ng online class.

"Kung may chance na tumulong, kahit sa maliit na bagay, malaki na 'yon para sa iba," ani Enopia.

John Eric Enopia (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kudos kina John Eric Enopia Sir Sherwin!