Ikinatuwa ng netizens ang pagtupad ng basketball player at tinaguriang "Pinoy Sakuragi" na si Marc Pingris sa dare nito noong Disyembre 11.

Aniya, kung mananalo ang Pilipinas sa M3 World Championship tournament ay tatakbo siyang naka-bra sa kanilang village.

"Marc Pingris here. Rooting po para sa Pilipinas (sa) M3 tournament. Kapag nanalo ang Pilipinas sa M3, ang gagawin ko po is tatakbo po ako nang naka-bra dito sa village namin. Gagawin ko po yan para sa M3 Pilipinas. So 'yun, maraming maraming salamat po. Pilipinas lang ang malakas," pangako ni Pingris.

Noong Disyembre 19, naiuwi ng grupong "Blacklist International" mula sa Pilipinas ang kampeonato sa nasabing tournament kontra sa kalaban nitong Onic Philippines na mula rin sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman tinupad ni Pingris ang pangako nito.

"Congrats sa Blacklist International!!! M3 World Champions! Patunay kayo na #PilipinasLangMalakas!!!"

"At ito na nga… dahil nanalo kayo at nagpromise ako ito na tinupad ko na. Tumakbo ako sa village namin kanina na kakaiba ang suot. Katuwaan lang ito guys. Proud lang talaga tayo sa naabot ng team nila. #ParaSaPinas #MLBBM3 #ItsBraSaVillageTime"

Buong tapang na tumakbo si Pingris habang suot ang itim na bra sa kanilang lugar. Binati rin niya ang Onic PH at sinabing kampeon na rin sila kahit hindi nila nakuha ang kampeonato.

Lumagpas na sa 100k ang reactions ng dare video ni Pingris.Marc Pingris, tinupad ang dare; tumakbo habang naka-bra