Umabot na sa $253 million ang domestic opening ng baong Marvel Cinematic Universe (MCU) movie Spider-Man: No Way Home, sa weekend opening nito sa North America.

Madaling umangat ang pelikula bilang 'third-biggest domestic opening of all time' kasunod ng mga pelikula rin sa MCU na "Avengers: Endgame" ($357 million) at "Avengers: Infinity War" ($258 million).

Ayon kay David A. Gross, Franchise Entertainment Research, magandang panimula ang record ng Spider-Man matapos bumagsak ang industriya dahil sa pagsasara ng mga sinehan dahil sa COVID-19.

Subalit, ikinakatakot rin ng mga analyst na maaaring maapektuhan ng bagong COVID-19 variant, Omicron ang momentum ng industriya.

Ang pelikulang Spider-Man: No Way Home ay pinagbibidahan nila Tom Holland, Zendaya, at Benedict Cumberbatch, na ie-ere sa Pilipinas sa darating na January 8, 2022.