Nakapagtala na lang ang Department of Health (DOH) ng 168 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nitong Martes, Disyembre 21.
Batay sa DOH case bulletin #647, nabatid na sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 2,837,719.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.3% na lamang naman o 9,384 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga active cases naman, 3,406 ang moderate cases, 3,289 ang mild cases, 1,804 ang severe cases, 508 ang asymptomatic at 377 ang kritikal.
Mayroon din namang 372 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,777,541 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 10 pasyente na namatay sa sakit.
Sa kabuuan, nasa 50,794 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.79% ng total cases.
Mary Ann Santiago