Biniro ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ang hurado at co-host na si Ogie Alcasid sa 'Tawag ng Tanghalan' segment ng noontime show na 'It's Showtime'.

Ayon kay Vice, napanaginipan niya ang dating kasamahan ni Ogie sa Sunday musical variety show na 'SOP' noong nasa Kapuso Network pa ito, na si Janno Gibbs.

“Oh my God! Bigla kong naalala napanaginipan ko si Janno Gibbs," giit ni Vice.

“Oy! Gusto kong malaman ano yung mga detalye ng panaginip mo," untag naman ni Ogie.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

At saka dinetalye naman ni Vice ang kaniyang panaginip.

“Christmas special daw, ito totoo, Christmas special daw sa ABS-CBN ang dami raw tao… Ang daming tao, pati artista, staff, yung usual Christmas special na napakaraming tao. Ang dami ang gulo-gulo… sabi ko, ‘Oh my God! Bumalik na naman yung sigla sa ABS ang daming tao’."

"Eh yung dressing room ko, ito yung dressing room ko tapos yung dressing room mo (Ogie), magkatabi tayo 'di ba. Sabi ko, ‘gugulatin ko nga si Ogie Alcasid'."

“Tinadyakan daw yung pinto, ‘Hoy!’ Pag ganun ko naroon si Janno Gibbs, nakahiga nagpapa-pedicure. Hindi mo raw dressing room. Sabi raw sakin ni Janno, ‘Ano? Bakit?’ Tapos umatras daw ako, natakot daw ako talaga… Bakit ko kaya napanaginipan si Janno Gibbs?” natatawang sabi ni Vice.

“Ano kayang ibig sabihin non? Ikaw ano?” tanong ni Ogie.

“At least sa panaginip man lang nasa ABS si Janno Gibbs… 'di ba, interpretation no'n baka soon 'di ba makasama na natin si Janno Gibbs dito… Oh my God. Si Janno Gibbs na ang nasa dressing room ni Ogie Alcasid, ibig sabihin wala na si Ogie Alcasid sa Showtime,si Janno Gibbs na…” biro ni Vice kay Ogie na ikinatawa naman nito.

Matatandaang naging karibal ng 'It's Showtime' ang noontime show na 'Happy Time' na ang mga original hosts ay sina Janno Gibbs, Anjo Yllana, at Kitkat Fabia. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Janno at Kitkat.

Noong Nobyembre naman ay nagkaroon ng munting hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Janno at 'It's Showtime' staff dahil nakansela umano ang promotion niya ng pelikulang 'Mang Jose' sa naturang noontime show, subalit ang sabi naman ng mga staff, wala pa umano silang natatanggap mula sa management na may promotion na magaganap, kaya walang nakansela.