Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo bukas, Martes, Disyembre 21.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell,epektibo dakong 6:00 ng umaga sa Martes, magtataas ito ng P0.70 sa presyo ng kada litro ng kerosene, at P0.55 naman ang ipapatong sa presyo ng gasolina at diesel nito.

Ayon pa sa Shell, ang kerosene price freeze ay ipinatutupad sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Hindi naman nagpahuli ang Petro Gazz at Cleanfuel na agad sumunod sa kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Bella Gamotea