Kamakailan lamang, nabigyang liwanag ang pagkamatay nina Crizzle Gwynn, 18, at Crizzule Luois Maguad, 16, matapos sumuko ni "Janice" sa krimen na nagawa nito.

Basahin: ‘Dahil sa selos at inggit?’ pumatay sa Maguad siblings, adopted daughter ng pamilya

Umiikot ngayon sa social media ang umanong conversation ng suspek sa pagpatay sa Maguad sibling na si "Janice" at ng kaibigan nitong hindi nagpakilala.

Sa screenshot, sinabi umano ni Janice sa kanyang kaibigan na may gusto ito patayin.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"May gusto akong patayin. 7 sila. Secret lang kung sino sila kasi baka magsumbong ka. Sila na lang ang kulang para mayroon na akong freedom."

Biro pa ng kaibigan ni Janice, tsaka na lamang daw nito gawin ang balak niya kung kaya na nito gawin ang kanyang mga sinasabi.

Dagdag pa ni Janice, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng tao, miski ang pagpatay, ay mapapatawad naman daw ng Diyos.

"Sabi nila kahit ano pa kalaki ang kasalanan mo kahit na makapatay ka pa ng tao, mapapatawad ka pa rin ni Lord basta humingi ka ng tawad sa kanya."

"Pumapatay nga ang mga sundalo ng tao eh."

Sumagot naman ang kaibigan ni Janice na ang mga sundalo ay nakakapatay lamang ng tao kung nasa peligro na ang kanilang buhay.

Ani Janice, nais naman niyang pasayahin ang kanyang sarili.

"Bahala ka diyan. Maghahanap na lang ako ng ibang kasabwat. Naiirita na talaga ako sa aking paligid. Di na siya maganda."

Biro pa ng kaibigan ni Janice, sino raw ba ang gusto niyang patayin at nang mailista.

Ngunit sumagot si Janice na hindi na niya sasabihin dahil baka magsumbong pa ito.