Ang sweet naman ng mag-asawa na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia sa kanilang recent guesting sa “Mars pa More” ng GMA-7.

Matatandaang nagkaroon ng problema ang marriage life ng dalawa hanggang sa umabot ng hiwalayan. Pero heto't back in your arms again si Alwyn kay Jennica.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/18/alwyn-uytingco-at-jennica-garcia-nagkabalikan-na/

Kilig kiligan ang naging sagot ng dalawa sa segment na Tough-Patan ng "Mars Pa More." Salitan ang mag-asawa ng tanungan na siyang sasagutin nila. Kaya naman pati ang host ng show na si Camille Prats ay hindi maiwasang kiligin din.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang final na tanong ang nagmarka sa show dahil pumukaw naman talaga sa mga magdyowa o mag-asawang naghiwalay at eventually nagkabalikan nga.

Anyway, ang tanong ni Jennica kay Alwyn ay "What gift do you like for Christmas?"

Sey ng huli, "Simple lang Nay, ikaw. Ako, hindi... promise wala na akong hihilingin na gift after lahat nang nangyari this year. And now we're here again parang just the idea of being us together again. Parang wala na OK na ako."

Masayang mangiyak-ngiyak na kinikilig si Jennica sa sinagot ng kanyang loving husband.

Sey niya, "Well when you left you know naman that's all I've been praying for. I just really need more time. But you know that I love you."

Dahil sa tinuran ni Jennica niyakap at hinagkan ni Alwyn ang kanyang maybahay.

Tuwang tuwa sila Kim Atienza at Camille Prats sa magandang nangyari sa mag-asawa. Buo na uli ang pamilya, ika nga nila.

Mapapasana all ka na lang talaga sa nawitness ng mga nakapanood. E ikaw anong gusto mong gift ngayong Pasko?