Pumukaw sa netizens ang kakaibang paraan ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang lolo.

Sa Facebook post ni AL Aquino Oliva, ikinuwento niya na habang umoorder siya sa isang fast food chain, nilapitan siya ni lolo at sinabi nitong siya na ang magbabayad ng kaniyang inorder.

Larawan: AL Aquino Oliva/FB

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Oliva, sinabi ng matanda na kaya raw ito manlilibre ay dahil kaarawan nito.

"So ayon while umoorder ako sa Jollibee Puan, itong si tatay naka-pula tinanong ako ano raw order ko kasi sya na raw magbabayad. Sabi ko wag na po 'tay ako na po, he insisted pero kako wag na. So ayon sabi niya sige b-day ko pa naman ngayon sabay alis. Then nung magbabayad na ako, biglang lumapit si tatay sabay bayad sa cashier, at ako naman napa-thank you na lang kay tatay," pagbabagi ni Oliva.

Dagdag pa ni Oliva, hindi lang siya ang nilibre ni tatay kundi ang mga nakasabay rin nito sa pila habang umo-order.

Aniya, "Hindi lang ako ang nilibre pati yng mga kasabayan kong pumila at umorder nilibre din nya. Happy bday tatay salamat po and God bless you."

Inulan naman ng pagbati si tatay sa comment section ng post ni Oliva, na sa ngayon, umabot na sa 85K likes.