Ang tinaguriang 'Drama Princess' ng TV-5 na si Julia Barretto ang first-ever brand ambassador ng isang beauty product na talaga namang bagay na bagay sa kaniya, dahil sa kaniyang maputi at makinis na kutis.

Sa ginanap na virtual media conference para sa kaniya, isa sa mga natanong kung ano ang self-rating niya kung pag-uusapan ang pagiging kikay: 1 ang pinakamababa at 10 naman sa pinakamataas.

"10 na lang! 'Iyon din naman sasabihin ng bashers eh! 10 na! Maarte ako eh," nakangiting pahayag ni Julia.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Julia Barretto (Screengrab mula sa FB/Cinema Bravo)

Natanong din si Julia kung paano niya hina-handle ang negative vibes at stress na nangyayari sa kaniyang paligid. Isa kasi siya sa mga aminadong hindi na tinantanan ng bashers at haters sa social media.

"I really take the time to shut off, to shut down, and have a moment for myself and really… count the things that I should be grateful for. I feel like we are very blessed, especially this year."

"Hindi ko pinapayagan na mangibabaw ang stress at saka ang negativity because, again, HINDI NAKAKAGANDA," sagot pa ng aktres na todo ang suporta sa boyfriend na si Gerald Anderson, lalo na sa paglalaro nito ng basketball.

Napapanood si Julia sa teleseryeng 'Di Na Muli' sa TV-5 kasama sina Marco Gumabao, Marco Gallo, at marami pang iba.