Bad news sa mga motorista.

Nagbabadyang magpapatupad muli ang nga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 21.

Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng tataas ng P0.50 hanggang P0.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene habang P0.50-P0.60 naman ang marahil na idadagdag sa presyo ng diesel.

Ang napipintong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sakaling ipatupad, ito na ang ikalawang bugso ng oil price hike ng mga kumpanya ngayong Disyembre.

Noong Disyembre 14 itinaas sa P1.60 ang presyo ng gasolina, P1.35 sa diesel at P1.20 naman sa kerosene.

Bella Gamotea