Kalunos lunos din pala ang sinapit ng mala-mansyong bahay ng sexy actress na si Sunshine Guimary sa Cebu dahil sa matinding bayo ng bagyong Odette. 

Photo courtesy: Sunshine Guimary/IG

Ang Cebu ang isa sa mga probinsyang matinding hinagupit ng bagyong "Odette."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Stories ang mga larawan na tinamo sa loob ng bahay niya. Maging sa labas ng kanyang bahay ay ipinakita rin ang mga nasirang inabot.

Nagkandabuwal ang mga puno at halaman sa labas at sa garden. Nagkanda-basag ang mga salamin sa harap ng kanyang bahay.

Ultimo ang kanyang chandelier ay hindi rin nakaligtas dahil halos naubos ito sa lakas ng hangin.

Photo courtesy: Sunshine Guimary/IG

Pati ang mga kuha ng video ay kanya ring ibinahagi. Kitang kita ang masaklap na nangyari sa kanyang tinitirhan.

Kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala ng sexy actress at gusto na niyang makauwi agad-agad para macheck at maiayos ang mga nasira sa kanyang bahay.