Sumugod ang grupo ng mga guro sa Malacañang nitong Biyernes upang igiit sa pamahalaan na dapat nang ibigay ang kahilingan ng mga ito para sa kanilang kapakanan sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ng Manila Public School Teachers’ Association (MPSTA) na kaanib ng Alliance of Concerned (ACT) National Capital Region (NCR) Union, ang nasabing protesta ay ikalawang araw ng kanilang “9 Days of Christmas” campaign.
“We’re inching closer to Christmas, but we’re nowhere near having our fair and long fought for demands fulfilled; hence, this protest action and many others we have led and will hold in the future for the advancement of teachers’ welfare,” pahayag ni ACT NCR Union Vice President at MPSTA President Louie Zabala.
Tampok sa programa ng mga ito ang pagsasabit ng kanilang kahilingan sa Christmas tree at sa dala-dalang parol.
Kabilang sa kanilang kahilingan ang pagtaas ng sahod, bayad sa overtime, laptop at P1,500 monthly allowance, inflation adjustment allowance, atP10,000 tax-free election work pay.
Merlina Malipot