Lumipad patungong Bohol si Vice President Leni Robredo nitong Biyernes, Disyembre 17 upang suriin kung paano higit na matutulungan ng kanyang tanggapan ang mga komunidad na naapektuhan ng bagyo sa lalawigan na kung saan nag-landfall ang bagyo noong Huwebes ng gabi.

SInabi ni spokesman Barry Gutierrez na umalis sa Quezon City ang bise presidente upang bumisita sa Bohol at iba pang lugar na naapektuhan ng bagyo sa mga susunod na araw. 

“Ngayong araw, lumipad na si VP papuntang Bohol. Sa darating na mga araw balak din niyang magpuntang Leyte, Surigao, Cebu, at Negros. Yung mga lugar na tinamaan ng bagyo," ani Gutierrez.

Naglandfall ang Bagyong Odette sa Bohol nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 16.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Sinabi ni Gutierrez na gustong maging "hands on" ni Robredo sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bago at nais nitong personal na makita ang sitwasyon ng mga tao.

“So, balak niyang magpunta sa mga areas na tinamaan mismo ng bagyo, makita first-hand at makausap yung mga taong tinamaan, at lalong maayos nang mabuti at maging angkop yung kailangang assistance na puwede nating maibigay," ani Gutierrez.

Nitong Disyembre 17, nanawagan si Robredo para sa mga donasyon ng mga kinakailangang relief goods para sa mga biktima ng bagyo. Ginawa ni Robredo na isang donation relief operations headquarter ang kanyang campaign volunteer center.

Nananawagan ang bise presidente sa mga donasyon ng "urgent relief goods" katulad ng mga kumot, hygiene items(shampoo, soap, toothbrush, toothpaste, sanitary napkins), bottled water, face masks, alcohol (in 250 or 500ml), bigas, at ready-to-eat-food(easy-to-open canned goods, instant noodles, biscuits, powdered drinks, cereal drinks).

Betheena Unite